Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

side ways Siya ay si Potpot, Florante Arcilla III y Salvador ang tunay niyang ngalan. Nakatira sa Tondo at ang kanyang hilig ay ang manglandi este mag-kompyuter. Ipinanganak noong Ika 25 ng Disyembre, 1978 at siya ay isang Capricorn. Mahilig siyang manggaya ng boses tulad nina kiko matsing at doding daga. Siya ang nagtatag ng organisasyong #barbero kasama ng mga kaibigan na mamaya ay makikilala nyo rin. Paborito niyang babasahin ay ang Pugad Baboy. Ang kanyang sinisinta ay si Bb. Joel Nulud (bakit Joel??). Siya din ang pasimuno ng ahahay foundation na nilalahukan ng mahigit 3 million members. ano papalag ka ba?
smile!Bakit ba naisip niya ang pangalang Cheap_Stalker?? Bueno, siya si Israel Catienza y Nepomuceno, nakatira sa Paranaque na kung saan meron siyang lisensya na di pang Pilipinas kundi sa Estados Unidos pa. Pinanganak noong ika 15 ng Marso. 1978. Bibihira mo siyang makitang kumain ng banana-Q sa kanto dahil ang mga nilalantak niya ay mga kaviar at steyk. Isa rin siyang modelo ng mga kakaibang kasuotan na kung saan nagiging patok sa mga kabataan ngayon. Isang huwarang modelo na hindi marunong gumawa o umarte ng istilong "jologs". Isa lang naman ang masasabi niya, "Some people will do anything to get MY ATTENTION". Pero wag ka, nanood yan ng Rosalinda! o ha! kaya ninyo yan?
pa cute no!Richard Cabanez y Arriola, siya si drahcir`. Nag-aaral sa Lasalle, isa sa mga karakter dito sa #barbero na nagpapabuo ng kasiyahan. Tignan mo larawan niya sa kaliwa, kamukha siya ni Dominic Ochoa, kaya nga daming nagahahabol sa kanya (mga aso). Siya rin ang ang nagpasimuno ng #barbero polls kaya nga daming nabato nung GEB ehehehehe. Kung di din dahil sa kanya walang ecircles!mas cute ako dito!
eheheheheheheEto, sino ba ito?? Siya si Japeth Rosales y Briones na taga Tondo, Maynila. Kinikilalang Japs` sa #barbero at isang taong mahilig sa anime, lalong lalo na ang Gundam at Rouronin Kenshin. Kaarawan niya ay ika 18 ng Disyembre, 1976. Pinsan ng dakilang Potpot at iniirog ni istelle, kapatid ni baby_ica na pinsan naman ni Lonlon na nakatira din sa tondo na may lola na iniispoil si Lonlon na kung saan.. ah basta siya na yan! Mahilig din siya sa paglamas, ng dough dahil meron silang monkey business, ang pag BAKE!mas makapal pa buhok sa baba
heheheheheheheWilson Te y, ito si Akodo, (take note di siya kinakain, Adobo yun! -- from Japs) hindi siya hapon, nick lamang niya iyon sa #barbero. Kasama siya ni Bistek, taong Lopez Canteen, taong baraha, taong barako, taonggoy este taong gala. Maraming fafa, este mama, all in all isang Tsekwa! -- "PARE SINONG TINATAWAG MONG TSEKWA?!?!?!" -- Wilsonhihihihihi ay mali.. hehehehe
iboto ninyo ako sa susunod na eleksyon!Emil dela Trinidad y, aka "Councilor Herbert Bautista". Natalo nung 1974 elections, sumubok uli nung 1984, pumalpak, huling hirit 1994, palpak pa rin, pampalubag loob, tinawag na lang naming konsehal lalo na nung bowling sa SM City. Mapapansin ang kawalan ng buhok este budget sa eleksyon kaya natalo. paboritong hirit, "May buyer ka ng cellfone?"iboto mo lelang mo!
wanna challenge my kung fu?"Wanna challenge my kung fu?!?!" Yan ang masasambit mo kapag nakita mo si ponci, Raymund Allan Revere y Ty, tignan mo, ilong na ilong pa lang Jacky Chan na. Nagsimulang lumabas sa Enter the Toilet 2 sabay sumikat sa Snake in the Kwago Shadow, makikita mo rin siya sa Drunken Lasenggo at Lasing na Lasing na Lasing 2. Nagpanggap siyang E-honda sa pelikulang Barrio Hunters at naging stunt dobol ni Andrew E sa Humanap ka ng Pangit. jackie...
KAPE!!!Ang dakilang side kick, Tristan Lazaga y Aguilar, kung titignan ninyo siya, naparami lang ang inom niya ng kape pero ang totoo, marami nga siyang nainom na kape. Mahilig siya sa Dance Dance Rev. Kaya nga pasalamat siya at pumayat siya. From 130 pounds siya ngayon ay 129 pounds, o divah effective! CONGRATS AT MAY MAMA KA NA!!!at marami pang KAPE!!!
a smile only a mother could love!Suck it! Ang wrestling boy na si Alfredo Casino y, taga paranaque, ang lalakeng walang kabali bali ang katawan, strongest man in the world, mahilig sa calcium kaya walang baling buto, napakaingat niya sa katawan take note peeps, barbero ang may ari ng HP ito! Kailan ka kaya namin makikitang muli?pare lashing na ako!
ako po si neil, tyuhin ko ang nakauna sa akin...Ang lalakeng di naubusan ng kwento, Neil Raymundo y, siya si Sensui, siya ang nakadiskubre ng patis sa talipapa, siya rin ang nakadiskubre ng mais sa smokey mountain at ang imbentor ng puncher at pantasa ng lapis. Siya mismo ay di nakapaniwala sa kanyang narating dahil masyado siyang maboka. Palibhasa, gwapo siya! One of the founding fathers ng akekeke phenomenon.sinong lalaban, sino?!?!!
sa wakas!Paolo Roel Rodriguez y, kamukha siya ng mascot ng Chowking, take note, may buhok na siya ngayon, take note ulit type siya ni --- -----!?!??! Guess who?!?!? Classmate ni sapsap sa UP, ewan ko ba, of all the people na magiging classmate ni sapsap siya pa ang naging GWAPO!!! ahahay!!!! One of the nominees for the Liquid Sosa award!na wakas!
DO?ANG GWAPO!!! [affleck] ba kamo nick niya, Paquito Santos ang ngalan niya. Wag ka, nagtratrabaho siya sa ABS-CBN bilang make-up artist ni Judy Ann kaya nga grabe ang ganda niyaaaaaaaaa!! --- sarkastik -- bago na ngayon ang trabaho niya, assistant na siya ni Bentong at taga timpla ng kape ni Bayani, ewan ko ba sa inyo! Di naman gwapo yan, GWAPONG GWAPO!!! AKIN NA SIYA!!!! PAPA!!!!!!
turn the pageEto si Phillip, hindi siya si Phillip Salvador, siya si JAPooWee. Konti lang ang alam ko sa kanya, kapit bahay siya ng isa kong kaklase na may GF na taga Kamuning. Itong babaeng ito di ko akalaing may BF pa palang iba, at ang lalakrng iyun ay kamag-anak ng heneral sa militar ng Guam. Itong heneral na ito ay tumakbong Baranggay Captain sa kanilang lugar at di kalaunan ay natalo at nagpakamatay. Yung lubid na ginamit ay gawa sa pinong nylon na nakuha sa pinakamagandang uri ng tanim sa Ilocos na naeexport pa.di na ko.. aasa pang muli!
huh?!?! Marlon Briones. Ang cute naman pero hinde. Etong batang ito ay sadyang kay bibo, bata pa lang nagchachat na. Kakaiba diba pero hinde, baby pic pa lang yan, di ninyo pa siya nakikita, HE IS NOW A MAN! Yun ay ayon sa kanya, pero kung papansinin ninyo, ay wag na ninyong pansinin dahil di naman kapansinpansin ang mga pansining di kapansin pansin na kung papansinin pa ay nagpapapansin lang.nasaan ipin ko?
don't mess with me!Eto si Arki, Mark Beron y Padpad. Graduate ng cosmetology major in funerarya make-up sa Low School of Saint Andrews Farm (Mababang paaralan ng San Andres Bukid). Ipinanganak noon Ika 11 ng Setyembre, 1976 at nakatira sa Sta. Ana (doon mismo sa kwadra ng mga kabayo). Kafederasyon ni Potpot yan pero gradute na kaya nga nakakabilib. Kaya Arki, paki make upan naman kami!!smile! Tapos na rin ako!
grrrr...Eto si Oliver Lucas y Briones o ^ombey^ sa chatroom. Simpleng mamamayan lamang si ombey pero wag ninyo siyang subukan, baka kantahan kayo niyan ng kanta sa "Elvis and James" starring Joey de Leon and Rene Requesta -- tama ba apelyido ni Papa Rene? Taga deliver ng pandesal sa umaga at may business na gitarista for hire kapag may lamay. WALIS!
Mr. Cupido!!Siya si Cupido este si cute earl o Ryke. Manicurista sa isang parlor sa Novaliches at nag lalako ng mga shampoo day at kan toothpaste sa umaga. Magaling din siyang maglako ng ice cream at fish ball at ang planong pasuking business ay ang pagtinda ng AVON, TRIUMPH, at NATASHA products sa mga bahay-bahay.Ako nama'y tulungan mo!
Eto si Big Fafa V. Viril Calimlim y, isa sa mga skyscrapers ng #barbero, siya ang gumawa kay barberobot pero tinanggal ni chanserv dahil offensive bot. Itong taong ito ay di marunong.. este di marunong tumanggi sa anu mang pagkakataong ialok sa kanya. May ari siya ng Big V's lugawan and gotohan sa may Binondo at mismong siya ang nagooperate ng nilagang maisan sa may Sunog Apog.
no teethRichard Maglaya, Itlog ni Panku, hindi siya magbabalot o nagtitinda ng pugo, yun lang ang nick niya. Isa sa mga masugid na chatter ng #barbero pero nakaalis na siya =(. Iniwan na niya tayo!! huhuhuhu Wag mo kaming iwan fafa!! all teeth
Caronia Nail Polish!Michael Dave Mascardo y Mercado, Muskee! Maski ako nagtataka kung bakit ganyan nick niya.. bwehehehehehe, isa sa mga Lopez boys na minsan mag chat pero ngayon napapadalas na, di ko alam kung bakit.. bweheheheheheheAhit Pogi!
CHINGLAIFONGLAIHAWMINISHISHINI!Eto si Jet, di siya kamag anak ni Jet Lee, siya si freakonaleash kung tawagin sa chat room, maraming nagsasabi na siya daw ay isang artista sa kanilang nayon ng Agoo, pero sabi niya.. di daw siya artista, model lamang. Dahil siya'y person on the go, ang tanging business na kaya niyang ilako ay fishballs o kaya ang hot wheels manok.
SPEKSiya ang the one and the only SPEKTREK. Isang magsasaka sa Sorsogon na naging artista dahil marunong siyang mag spell ng Dog. Nadiscover ni Jojo Veloso at naging instant star at ngayon ay nagtatago dahil sa nangyaring scandal. Isa sa mga paboritong child star ng taon, at nakalikom na rin siya ng awards tulad ng "Best Male performer in a Female Role" at "Best Costume in a Nude Scene."TREK
i' working na sa metal shop!WHAT A BRACE! Kamukha ni Ely Buendia. Siya si Nardo. Meynard ang tunay niyang ngalan. Dating scavenger sa smokey mountain na nangongolekta ng bakal, at ngayon, siya mismo ang nakagawa ng braces out of junk. Very creative di ba. Pinanganak ng kanyang nanay sa tulong ng doktor sa hospital. Pero di siya aabot sa hospital kung di dahil kay Mamang Tricycle driver, dahil siya ang nag-hatid sa kanya. Nung lumalaki siya nahihilig siya sa pag-aalaga ng halaman, idol niya ang kanilang hardinero, bakit kaya?
ako ay fafa!Di ko kilala to, sinend lang din sa akin eh!
ano papalag ka ba?!?Ton2 kapag nakita nyo, pero sa totoo lang, tahimik lang yan sa personal. Pangiti ngiti, pinapakita ang mga braces niya, mga matang mapupungay, at kilay na makapal, sabi nila kapatid ni Potpot, ang sabi naman ni Potpot, hindi daw, di natin alam, malay ninyo, tinatago lang nila dahil nahihiya si Tonton na amining kapatid niya si Potpot. Dancer siya ng tinikling at pandanggo sa ilaw sa may Chicos at may-ari ng Jenny's parlor sa may Kalookan.wag kayong mag-away!
my golly! Trueblood, Fakeblood, BloodType, any blood, siya si Erwin. Champion ng bunong braso sa Australia at nanghuhuli ng bubuli kapag walang magawa. Isang professional skydiver.. sa kama at naninisid ng buhay na tahong, magaling sa pag drive kahit walang lisensya dahil tatay niya si Ping, hindi si Ping Lacson kundi yung magbabalot na si Mang Ping Ger sa Welcome.
whenever i see your smiling face! Emannuel Vistro po, Gesar sa chat room, may sariling website at may sariling club sa AMA Caloocan, pangarap niyang maging dentist dahil wala na siyang ipin, at dahil takot siya sa dentista, gusto niyang siya na lang gumamot ng ipin niya at makaimbento ng pambunot na walang sakit, (asa pa u!)
ehehehehe Sino ba to? Well siya na ang papalit kay Daniel for our Mascot, Ano sa tingin ninyo? Wag na lang kaya ninyong tignan. Jo Ricardo Agbayani, or Jo-Ric for short, di siya nagchachat, classmate siya nina Ombey at Tonton kaya pagpasensyahan na ninyo. Parang awa na ninyo, give to Caritas Manila.
what's the matter?MALAKI.... MAHABA.... MATABA.... Yan si Joel. Kapalitan ni Tae Lava este Tau Lava kapag pagod na siya. All time champion ng piko at chinese jackstone. Take note, CHINESE JACKSTONE. Kumpare ni Bata Reyes, at ka live in ni Onyok. Mahilig kumain ng Saging at Papaya at sumasideline bilang Kartero sa Dilim. peanut butter?
he shoots!WRONGMAN! Kapatid ni Tiyanak, di naman magkamukha, pero... wag na lang baka magalit si Rissa, ang significant other ni Leo. Pero alam ninyo, artista siya, may kamukha siya, yung sa WOW Mali, di ba? Magbobote sa sunog apog at ang paboritong bote na kinukulekta ay bote ng Mang Tomas all around sarsa ng litson, yung pwede sa pandesal at sa kanin, kahit walang ulam parang si McGuyver. Side line niya ay magbugaw.. magbugaw ng langaw sa karinderya ni aling Ite.he scores!!
naka na! mukhang bata!Eto si Vortran ang defenders ng unibers. Siya si buboy.. kapatid nina Viril at ni Faith. Taga deliver ng distilled water sa isang subdivision sa Mandaluyong at isa sa mga dakilang basurero ng Smokey Mountain. Taga gawa din siya ng paper roses at paper boats na ginagamit bilang design sa TAMIYA models.
say ahhhhhhhhh!!Eto si Macky, siya lagi ang ginagamit na model para sa mga dentista.. kapag sinabi nilang OPEN WIDE, di na kailangan para kay Macky. Kapag walang magawa, nagbubukas siya ng mga bote ng beer sa isang bar sa may welcome rotonda. Pwede rin siyang gawing human basketball court kung gugustuhin ninyo.
BISHWARS!Eto si Daniel, ang MASCOT ng #barbero, kapag bago ka pa lang, lapitan mo ang batang ito at siguradong di ka na niya tatantanan. Kaya nga matakot kayo sa batang ito dahil maskulado ito at nakakatakot kaya konting kanti mo lang diyan, magtago ka na sa pinanggalingan mo dahil kawawa ka dahil nandiyan na si BISHWARS!Power Rangers!